Hi-tech na ‘Espinebot,’ 2-in-1 masseur at chiropractor na nagtatanggal ng mga sakit ng katawan

Nananakit ba ang iyong mga buto, kalamnan at ulo dahil sa matagal na oras ng pag-upo sa opisina? Maaari na itong maalis dahil ang hi-tech na makina na tinatawag na Espinebot, 2-in-1 nang masahista at chiropractor.

Sa kuwentong Dapat Alam Mo! ni Oscar Oida, sinabing matatagpuan ang Espinebot sa isang wellness clinic sa Makati City.

Bago magpamasahe sa Espinebot, sinusuri muna ang medical background at kung ano ang masakit na bahagi ng katawan ng isang tao.

May infrared light at umaangat din ang bahagi ng makina na nagmamasahe sa likod para makaramdam ng ginhawa ang customer.

Gumagamit ang Spinebot ng soundwave kaya mas epektibo rin ito kumpara sa ibang treatment.

Inaabot ng 20 minuto ang isang session, na tinatarget ang buong katawan.

Para naman sa migraine o simpleng sakit ng ulo, meron ding high energy therapy ang wellness clinic na inaabot ang cells, nerves, fibers at muscles.

Nakatutulong din ito sa lymphatic at blood circulation. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News

Read More